|
||||||||
|
||
20170925 Melo Acuna
|
TINIYAK ng Pamahalaan ng Pilipinas sa Vietnam na magsasagawa ng malawakang imbestigasyon sa pagkasawi ng dalawang mangingisda noong Sabado.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairfs, ipinarating ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano ang pakikiramay kay Vietnamese Deputy Prime Minister and Foreign Minister Pham Binh Minh sa naganap na ASEAN Informal Foreign Ministers Meeting sa United Nations sa New York ilang oras matapos ang insidente.
Tiniyak ni Secretary Cayetano na magkakaroon ng ibayong pagsisiyasat sa insidente samantalang magkakaroon ng kalayaan ang mga opisyal ng Vietnamese Embassy sa Maynila na madalaw anumang oras ang limang mangingisdang nadakip ng mga autoridad.
Nagtungo na umano ang mga tauhan ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at maging Philippine National Police sa Pangasinan upang mabatid ang detalyes ng insidente.
Nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs sa Vietnamese Embassy sa Maynila upang mabigyan ng pinakahuling balita sa pagsisiyasat.
Ayon sa impormasyong nakarating sa Department of Foreign Affairs, nasangkot sa insidente ang isang barkong pangpatrolya ng Philippine Navy at ang anim na bangkang pangisda ng Vietnam. Pabalik ang barko ng hukbong dagat sa Subic sa Zambales ng makita ang mga sasakyang pangisda ng Vietnam na nangingisda sa layong 34 na nautical miles mula sa Cape Bolinao. Hinabol ng Philippine Navy ang mga bangkang pangisda at nagmaneobra ang isa sa anim na barkong pangisda at binangga ang kaliwa at unang bahagi ng sasakyang dagat ng Pilipinas.
Nagpaputok umano ang mga tauhan ng Philippine Navy upang balaan ang mga mangingisda. Nakasakay ang mga magdaragat na Filipino at natagpuan ang dalawang Vietnamese na nasawi. Sumuko ang limang iba pa at ngayo'y na sa pangangalaga ng pulisya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |