SINABI Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi magaganap ang P 1,000 budget ng Commission on Human Rights.
Ipinaliwanag ni Secretary Diokno sa isang panayam na ang pagpapasa ng batas ay kinatatampukan ng "compromise." Kailangang magkasundo ang magkabilang panig. Sa botong 119 laban sa 32, ipinasa ng Mababang Kapulungan ang P 1,000 budget ng CHR ayon sa mosyon ni 1-SAGIP Party List Congressman Rodante Marcoleta.
Ipinangako naman ni Senate President Aquilino Pimentel III na ibabalik nila ang panukalang budget ng tanggapan.
1 2 3 4 5 6