|
||||||||
|
||
DUMATING na sa Los Angeles, California ang katipan ng isang retiradong kawani kinilalang si Stepehen Paddock na pumaslang ng may 58 at ikinasugat pa ng higit sa 500 katao. Kinilala ang katipan na si Marilou Danley.
Umalis si Danley mula sa Pilipinas noong nakalipas na Martes ng gabi at nakarating sa Los Angeles International Airport sakay ng Philippine Air Lines Flight PR 102.
Ayon kay Immigration Bureau spokesperson Antonette Mangrobang, ang non-stop flight ay dumating alas-siete y media at ito rin ang nabatid mula sa mga applications ng naghahanap ng mga pasahero at eroplano.
Walang balita kung mag-isang naglakbay si Danley. Wala umanong impormasyon na pinosasan si Marilou Danley. Sinalubong siya ng mga tauhan Federal Bureau of Investigation. Hindi naman dinakip si Bb. Danley subalit umaasa ang FBI na makakapanayam siya hingi sa kanyang katipan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |