|
||||||||
|
||
Labing-itong hostages, nailigtas
NAILIGTAS ng mga kawal ang 17 hostages ng Maute sa Marawi City. Ito ang ibinalita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Kabilang sa mga nailigtas ang siyam na lalaki at walong babae na ang edad ay mula 18 hanggang 75. Walang detalyes na inilabas si Secretary Lorenzana kung paano nailigtas ang hostages.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief, Colonel Edgard Arevalo, may 26 na lamang na hostages ang hawak ng mga Maute. Ayaw umano nilang ibunyag ang balita sapagkat baka maapektuhan ang paglilikas ng mga biktima.
Niliwanag pa ni Colonel Arevalo na talagang aabot lamang sa 40 ang mga Maute kaya nga lamang ay nakapag-recruit ang mga armado ng mga bagong kasama sa kanilang hostages. Hanggang kanina ay umabot na sa 753 Maute members ang napapaslang kasabay ng 155 kawal at pulis.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |