|
||||||||
|
||
Mga alituntunin ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 'di na kailangang baguhin pa
SINABI ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla, Jr. na hindi na kailangan pang baguhin ang mga alituntunin ng pananalapi ng bansa sapagkat ang pagbabago sa sistema ng pagbubuwis ay magkakaroon lamang ng bahagyang epekto sa inflation.
Ang alin mang bahagya at madaliang inflationary impact ng tax reform ay hindi na kailangan pang sundan ng pagbabago sa monetary policy. Ito ang pahayag ni G. Espenilla na ibinigay sa Reuters para sa Global Markets Forum.
Mahalaga ang tax reforms sa mga balak ni Pangulong Duterte na magkaroon ng mas mataas at matatag na kaunlaran sa pamamagitan ng kanyang US$ 180 bilyong "Build, Build, Build" program. Nakapasa na sa Mababang Kapulungan ang panukala subalit hindi pa napaguusapan sa Senado ng Pilipinas.
Kung maipatutupad sa susunod na taon ang tax reform ay magtataas lamang ng consumer prices ng wala pang kalahati ng isang percentage point at mawawala rin ang epekto nito sa susunod na taon ng 2019.
Hindi nagbabago ang key interest rates mula ng itaas ito ng 25 basis points noong Setyembre ng 2014 samantalang maayos pa ang inflation rate kahit pa maunlad ang bansa kaya't isa na ito sa pinaka-maunlad sa buong rehiyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |