|
||||||||
|
||
Kaunlarang magaganap sa Pilipinas, babagal
BAGAMA'T lalago ang ekonomiya sa Pilipinas, babagal ito ngayong 2017 kung ihahambing sa nakamtan noong nakalipas na taon.
Sa East Asia and Pacific Economic Update ng Wold Bank, sinabi ng bangko na ang pagbagal ng takbo ng ekonomiya ay mula na rin sa mas mabagal sa inaasahang pagpapatupad ng public investment projects.
Magugunitang nagkaroon ng 6.9 % growth na naitala noong 2016 subalit sa pagtataya para sa taong 2017, aabot lamang ito sa 6.6 % samantalang inaasahang magaganap ang 6.7 % growth sa taong 2018 at 2019.
Noong nakalipas na Agosto, sinabi ng Philippine Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. pernia na nagkaroon ng 6.5 % growth sa second quarter ng taong 2017 mula sa 6.4 % noong unang tatlong buwan ng taong 2017.
Umaasa ang Duterte administration na madadagdagan ang paggasta ng pamaghalaan sa pagpapatupad ng Build, Build, Build program na siyang magdudulot ng "Golden Age of Infrastructure."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |