|
||||||||
|
||
Dalawang general na idinadawit sa illegal drugs, pinatalsik
INALIS sa talaan ng mga tauhan ng Philippine National Police ang dalawang opisyal na sinasabing sangkot sa illegal drugs.
Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na pinatalsik na sa serbisyo si National Capital Region Police Office Director Joel Pagdilao at Quezon City Police District Director Chief Supt. Edgardo Tinio ayon sa pangakong lilinisin ang pamahalaan ng mga tiwaling tauhan.
Nilagdaan na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang desisyon na nagsasabing "administratively liable" sa kapabayaan sa trabaho at malubhang "irregularity in the performance of duty." Sa mga dahilang ito, pinatalsik na sila sa serbisyo.
Tumanggi umano ang dalawang opisyal na gawin ang kanilang obligasyon bilang mga alagad ng batas kaya't kumalat ang illegal drug trade sa kanilang nasasakupan.
Kasama sina General Pagdilao at Tino sa limang sinasabing "narco-generals" ni Pangulong Duterte. Nakatagpo ng sapat na dahilan ang National Police Commission noong Agosto ng 2016 upang kasuhan ang dalawang opisyal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |