|
||||||||
|
||
AFP inakusahan ang isang Doc Russell Salic na kasama ng Maute
KINILALA ng Armed Forces of the Philippines si Doctor Russell Salic, 37 taong gulang na naglilingkod para sa Maute Group. Ang manggagamot ay sinasabing may kinalaman sa naudlot na balak ng mga jihadist na magpasabog sa New York subway at sa Times Square.
Ayon kay Col. Edgard Arevalo, pinuno ng Armed Forces of the Philippine Public Affairs office, kabilang siya sa mga nanggagamot sa mga nasugatang Maute.
Idinagdag naman ni Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines naglingkod na si Doc Salic sa mga Maute bago pa man naganap ang pananalakay sa Marawi City.
Nakapiit na si Doc Salic sa National Bureau of Investigation mula noong Abril. Pinaghahanap siya ng mga taga-usig ng Estadosd Unidos matapos ipagsakdal kasama ng dalawang iba pa sa pagbabalak sa pagpapasabog sa Times Square at sa subway at ilang concert venues sa ngalan ng Islamic State. Binalak na ipatupad ang pagpapasabog noong Ramadan ng 2016. Isa sa mga nagbalak ang sinasabing na sa pag-iingat na ng Estados Unidos samantalang ang isa pa ay nasa pag-iingat ng Pakistan.
Sinisayat si Doc Salic sanhi ng pagkakasangkot sa pagdukot at pamumugot sa dalawang kawani ng isang sawmill noong Abril ng 2016 sa Butig na kagagawan umano ng Maute Group.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |