|
||||||||
|
||
Energy Regulatory Chair Jose Vicente Salazar, pinatalsik
WALA na sa kanyang posisyon bilang Chairperson at Chief Executive Officer ng Energy Regulatory Board si Atty. Jose Vicente Salazar.
Ito ang napapaloob sa pahayag ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs. Nilagdaan na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang desisyon. Napatunayang nagkasala ng "two counts of simple misconduct" at "one count of grave misconduct."
Kabilang sa parusa para sa grave misconduct ang perpetual disqualification from holding public office at pagbawi ng lahat ng retirement benefits. Naimpluwensyahan umano ni G. Salazar ang pagbili ng audio-visual project ng ERC upang mapasakamay ng pinapaborang kontratista ang proyekto.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |