|
||||||||
|
||
20171019melo.mp3
|
May 20 mga Maute, napaslang sa makasunod na sagupaan
UMABOT sa 13 Maute ang napaslang sa sagupaang naganap kahapon samantalang may pitong iba pa ang napaslang sa isang madugong sagupaan kaninang madaling araw. Ani Major General Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, pinaniniwalaang nasawi sa sagupaan si Dr. Mahmud Ahmed, ang Malaysian national na sumama sa Abu Sayyaf ni Isnilon Hapilon noong 2014.
Sinabi ni AFP chief General Eduardo Año na nakatanggap sila ng impormasyon sa pagkapatay kay Mahmud mula sa dalawang nailigtas na hostages, isang ina at ang kanyang anak na 15 o 16 na taong gulang na dalagita.
Naibalita ring inilibing na kagabi ang napaslang na banyaga kaya't hinahanap ngayon ng mga kawal, dagdag pa ni General Año.
Sa isang press conference ni Colonel Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Marawi, malaki ang posibilidad na kabilang si Dr. Mahmud sa 13 napaslang kagabi.
Aalamin sa pamamagitan ng DNA at dental records ang pagkatao ng inilibing na labi kagabi. Sa oras na nabawi ang mga labi, mababatid kung talagang ang banyaga ay nakabilang sa mga nasawi. Nasugatan umano ang dalagitang nailigtas ng mga autoridad. Anim na kawal din ang sugatan sa putukang naganap subalit ligtas na sa kapahamakan.
Ayon sa diplomatic sources, isang Doctor of Engineering si Doc Mahmud at naglingkod na propesor sa isang pamantasan sa Malaysia bago nagtungo sa Mindanao upang sumama sa Abu Saayaf noong 2014. Nangunguna sa most wanted list sa Malaysia si Dr. Mahmud Ahmed.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |