Mas maraming mga Filipino, 'di naniniwala na nanlaban ang karamihan ng napaslang ng mga pulis
MAS maraming mga Filipino ang naniniwalang 'di nanlaban sa mga pulis ang mga napaslang sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.
Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations 2017 Second Quarter study. Karamihan sa mga tumugon, 54% ang sang-ayong 'di nanlaban ang mga napaslang, na kinabibilangan ng 20% na naniniwalang talagang hindi nanglaban ang mga napatay ng mga pulis at 'di nakipagbarilan sa mga autoridad.
May 25% sa mga tumugon ang "undecided" samantalang 20% ang naniniwalang tunay na nanglaban ang mga napaslang.
Ayon sa detalyes na inilabas sa SWS website, ginawa ang survey mula ika-23 hanggang ika-26 ng Hunyo at gumamit ng face-to-face interviews at may 1,200 respondents sa buong bansa. Mayroong 300 mula sa Metro Manila samantalang ang 900 ay nahahati sa Luzon, Visayas at Mindanao.
1 2 3 4