|
||||||||
|
||
20170928melo.mp3
|
Mga magulang ni Atio Castillo, makakaharap ni Pangulong Duterte
NAKAUSAP na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kanina ang pamilya ng napaslang na mag-aaral ng University of Santo Tomas sa hazing noong nakalipas na Linggo, ika-17 ng Setyembre.
Dumalo sa pulong na naganap kanina ang mga magulang na sina Horacio II at ang kanyang maybahay na si Carminia, tiyuhing si Dr. Gerry Castillo at kapatid na si Nicole.
Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, pinasalamatan ng mga Castillo si Secretary Aguirre sa tulong na ginawa upang mabatid ang katotohanan sa pagkasawi ng kanilang mahal sa buhay sa initiation rites ng Aegis Juris fraternity.
Hiniling ng pamilyang makaharap si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maganap naman sa Miyerkoles, ika-apat ng Oktubre.
Naihatid na sa huling hantungan ang labi ng biktima, kasabay ng pag-uutos ng Department of Justice na makalaya ang suspect na si John Paul Solano.
Isang tatlo-kataong lupon ng mga taga-usig ang mangangasiwa sa preliminary investigation sa reklamo sa mga pagdinig sa ika-apat at ikasiyam ng Oktubre.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |