|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
3 kutsara ng vegetable oil
1 kutsarita ng luya, dinikdik
5 cloves ng bawang, tinadtad
340 grams ng bok choy, hinugasan at pinatulo
1 kutsarita ng asin
½ kutsarita ng asukal
2 kutsarita ng sesame oil
¼ na kutsarita ng pamintang durog
2 kutsara ng tubig
½ na pakete ng sariwang tofu skin, hiniwa sa bite-size na piraso
1 kutsarita ng cornstarch, tinunaw sa 2 kutsara ng tubig
Paraan ng Pagluluto
Sa katamtamang apoy, initin ang vegetable oil sa kawali. Igisa ang luya sa loob ng Ilang segudo tapos isunod ang bawang. Pagkaraan, dagdagan ang apoy at isama ang bok choy sa iginigisa. Pag medyo malambot na ang bok choy, timplahan ng asin, asukal, sesame oil at paminta. Idagdag ang tubig at ang tofu skin pero huwag hahaluin. Panatilihing nasa ibabaw ng bok choy ang tofu skin para hindi ito sumayad sa kawali. Dumidikit kasi ito sa kawali. Takpan ang kawali at i-steam ang laman nito sa loob ng ilang minuto. Tanggalin ang takip ng kawali, idagdag ang mixture of cornstarch and water at haluhaluin. Pagkaraan ng ilang segundo, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |