|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
453 grams ng tofu
1 tasa ng sabaw ng manok
2 kutsara ng soy sauce
1 kutsarita ng dark soy sauce
2 kutsara ng cooking wine
1 kutsarita ng sesame oil
½ kutsarita ng asukal
2 kutsara ng vegetable oil
2 butil o cloves ng bawang, tinadtad
453 grams ng broccoli, hinimay
2 kutsara ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hiwain ang tofu ng pa-cube (bite-sized). Sa isang katamtamang laking bowl, paghalu-haluin ang sabaw, soy sauce, dark soy sauce, wine, sesame oil at asukal. Itabi muna pagkatapos.
Sa isang kawali, initin ang 2 kutsara ng vegetable oil sa katamtamang apoy at igisa ang bawang. Pagkaraan, dagdagan ang apoy at isama ang broccoli at ituloy pa ang paggisa hanggang magkulay bright green ang broccoli. Idagdag ang tofu at iyong stock mixture at marahang haluin.
Pagkulo ng sabaw, idagdag ang mixture of cornstarch and water. Hayaan pang kumulo hanggang lumapot ang sabaw. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve. Ihain kasabay ng steamed rice.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |