|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 grams ng malamang pork ribs
2 buong cloves o butil ng bawang, hindi inalisan ng balat
2 kutsarita ng asin
1 1/2 kutsara ng malapot na itim na soya sauce
1/2 kutsarita ng monosodium glutamate o vetsin
5 tasa ng tubig
Paraan ng Pagluluto
Bilhin ang pork ribs na pinutol sa habang 8 centimeters. Hiwaan nang kaunti ang bawang, pero huwag tuluyang gagayatin.
Ilagay ang pork ribs, bawang at iba pang mga sangkap sa isang bowl na may takip tapos pasingawan sa loob ng 2-3 oras hanggang lumambot ang karne.
Bago ihain, ilipat ito sa isang mas malaking bowl at samahan ng light soya sauce na may red chili bilang side dish sa paghahain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |