Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, bukas sa mga talentong dayuhan

(GMT+08:00) 2017-12-19 16:25:56       CRI

 

Tulad po ng nabanggit natin noong mga nakaraang episode ng DLYT, dahil sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong Oktubre 2016, bumalik sa tamang landas ang relasyon ng Pilipinas at Tsina, at talaga namang napakaraming pagbabago ang nangyari, nangyayari at mangyayari sa relasyon ng dalawang bansa. Isa siguro sa pinakakapansin-pansing pag-unlad ay makikita sa larangan ng negosyo at trabaho.

Sa ating panayam kamakailan kay Glenn G. Penaranda, Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina, sinabi niyang ayon sa pinakahuling datos noong Hunyo ng taong ito, ang Tsina ang siya nang ika-5 pinakamalaking foreign direct investor sa Pilipinas.

Aniya, ang investment ng Tsina ay lumaki ng mahigit 400% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Sinabi pa niyang dahil sa patuloy na pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa, at patuloy na pagpapakita ng interes ng mga kompanyang Tsino sa Pilipinas, hindi malayong ang Tsina ang maging pinakamalaking investor ng Pilipinas sa hinaharap.

Ang ibig sabihin po nito ay magkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino sa pagpasok sa bansa ng mga kompanyang Tsino.

At speaking of trabaho, ayon sa ulat ng online magazine na, GuideinChina, sa isang seminar kasama ang mga dalubhasang dayuhan noong 2012, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na, "we're open to the world, and we want to learn from the world."

Ayon sa nasabing magazine, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang mga dayuhan na may kakayahan sa ibat-ibang larangan ay nakapag-ambag nang malaki sa national development ng Tsina at nagsilbing tulay sa pagitan ng Tsina mundo.

Ayon naman kay Ted Tokuchi, isang 65 taong gulang na ekonomistang Hapon, hinahangaan niya ang matinding determinasyon ng Tsina upang umunlad. Hanga rin aniya siya sa magnanimous attitude ng Tsina sa pagwelkam sa mga talentong dayuhan.

Aniya, China is now showing its charm in the new era, providing more chances and opportunities to the world, and will be an attractive dreamland to the younger generations worldwide.

Magandang balita po ito sa ating mga kababayan na gustong sumubok magtrabaho sa ibang bansa. Kung kayo po ay may kakayahan at may bukas na pag-iisip, isali na po ninyo ang Tsina sa mga pinagpipilian ninyong bansa. Ito ay maaring magbigay sa inyo ng oportunidad para sa bagong karera.

Aon pa sa ulat ng GuideinChina, sinabi ng State Administration of Foreign Experts Affairs (SAFEA), na sa loob ng 5 taong nakalipas, mayroong mga 3.3 milyong dayuhang manggagawa ang pumasok sa Tsina.

At para maakit ang mga top overseas talent, gumawa ng mga hakbang ang SAFEA, kasama ang Ministry of Human Resources and Social Security, at Ministry of Public Security para pasimplehin ang proseso ng pag-a-aplay ng visa. Bukod dito, mayroon pang ibang preperensyal na polisiyang gaya ng pagpapababa ng requirement para sa permanent residence o green card.

Sa ulat ng GuideinChina, sinabi Zhang Jianguo, Puno ng SAFEA, na "a more proactive, open and effective policy on competent professionals will be pursued to further implement President Xi Jinping's remarks in a report to the 19th CPC National Congress in October."

Ayon pa sa naturang magazine, binanggit ni Pangulong Xi, na "we should value people with talent, be good at identifying talent, have the foresight to employ them, be earnest to keep them, and welcome them into our ranks."

Dagdag ni Zhang, ang mga aplikasyon para sa work permit ng mga foreign experts na may kakayahan at labis na kinakailangan ng Tsina, at ang mga top talent sa ibat-ibang larangan ay lalo pang pabubutihin at pasisimplehin sa susunod na taon. Ito aniya ay para makaakit ng mas marami pang dayuhang may ganitong kakayahan.

"We've seen great progress in policies to recruit more overseas talent, and there will be more of them. Those preferential policies reveal the country's openness and inclusiveness," ani Zhang

Ayon pa sa ulat ng GuideinChina, noong Mayo 2014, kinatagpo ni Pangulong Xi ang 50 foreign experts sa Shanghai at pinakinggan niya ang kanilang mga mungkahi, na kinabibilangan ng pagrereporma sa sistema ng talent evaluation upang mapabuti pagsuporta sa inobasyon.

Sinabi ng GuideinChina, na ipinahayag ni Xi, na kailangang i-implementa ng bansa ang mas bukas na polisiya para sa mga talentadong manggagawa, para maakit silang magtungo, magtrabaho at mamuhay sa Tsina, saan mang bansa sila nagmula.

"China will always remain devoted to learning, will learn modestly from the world no matter how well it develops, and will openly enhance learning and exchanges with other countries," dagdag ng Pangulong Tsino.

Samantala, sinabi naman ni Anthony J. Leggett, Nobel Prize winner in physics mula sa Britanya, at ngayon ay propesor sa Shanghai Jiao Tong University, na hinahangaan niya ang pagiging sinsero ni Pangulong Xi.

Ayon naman kay Wang Huiyao, tagapagtatag ng think tank na Center for China and Globalization, ang mga sinabi ni Pangulong Xi sa mga foreign expert ay nagpapkita ng direksyon ng bansa pagdating sa talent policy.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>