|
||||||||
|
||
20171219melo.m4a
|
Biktima ng bagyong Urduja, umabot na sa 41 at may 45 pang nawawala
TUMAAS ang bilang ng mga nasawi sa pagdaan ng bagyong "Urduja." Nakarating na sa 41 ang nasawi at mayroon pang 45 iba pang nawawala.
Ito ang ibinalita ng National Disaster Risk Reduction Management Council kanina. May 28 ang nasawi sa Biliran, lima sa Leyte, tatlo sa Masbate, dalawa sa Samar at tig-iisa sa Eastern Samar, Surigao del Norte at Camarines Sur.
Magkakaroon pa ng pananaliksik ang Department of Interior and Local Goernment sa bilang ng mga nasawi at nawawala.
Nabanggit na ng isang opisyal ng Biliran na umabot na sa 33 ang nasawi sa kanilang pook matapos mabawi ang sampung bangkay sa Barangay Lucsoon sa Naval.
Mayroon pang 381 evacuation center na kinalalagyan ng may 57,691 katao sa Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas at Caraga.
Umabot na umano sa P 543 milyon ang pinsala sa mga pagawaing bayan samantalang mayroong P 3 milyon sa mga sakahan. Opisyal nang nakalabas ng bansa si Urduja sa Philippine Area of Responsibility kaninang ganap na ikasampu ng umaga.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |