|
||||||||
|
||
Mga mambabatas na 'di kaalyado ng pamahalaan, walang aasahang salapi
WALANG aasahang salapi para sa kanilang mga proyekto ang may 23 mambabatas para sa susunod na taon.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Party List Congressman Antonio Tino, kinaltas ang mga individual allocations ng ilang mga mambabatas na hindi pinapaboran ng liderato ng Mababang Kapulungan.
Binanggit ni Congressman Tinio na mayroong "pork barrel" sa budget kahit pa may pagpapaliwanag ang mga pinuno ng Kongreso na walang ganoon.
Idinagdag pa ng mambabatas na mayroong allocations para sa hard at soft projects, infrastructure, medical assistance at iba pa.
Ayon sa mambabatas, walang kabilang sa Makabayan bloc na gumamit ng pondo, kahit umano noong namuno sila sa iba't ibang komite.
Nadeklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang pork barrel. Tumangging magpahayag si Appropriations Committee Chair Karlo Nograles. Nararapat lamang umanong itanong ang mga bagay na iyan kay Speaker Pantaleon Alvarez.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |