|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
453 grams ng string beans o sitaw
¼ na tasa ng vegetable oil
2 kutsarita ng Sichuan peppercorns
1 kutsarita ng tinadtad na luya
3 cloves ng tinadtad na bawang
113 grams ng ground pork o karne ng baboy na giniling
1 kutsara ng Shaoxing wine
1 kutsara ng light soy sauce
¼ na kutsarita ng dark soy sauce (optional)
¼ na kutsarita ng asukal
Asin (ayon sa panlasa)
Paraan ng Pagluluto
Tanggalin ang magkabilang dulo ng string beans tapos putulin sa gitna (humigit-kumulang 3 inches ang haba ng bawat piraso).
Hugasan, patuluing mabuti at itabi muna. Initin ang mantika sa kawali, at sa katamtamang apoy, igisa nang tagkakalahating-dami ang mga piraso ng string beans. Pagkaluto, hanguin at patuluin. Patayin muna ang apoy. Tanggalin lahat ng mantika sa kawali at magtira lamang ng 1 kutsara. Sindihan ang apoy, at sa katamtamang init.
Igisa ang Sichuan peppercorns, luya at bawang hanggang lumutang ang bango (humigit-kumulang mga 1 minute). Pagkaraan, dagdagan ang apoy at igisa ang ground pork hanggang magkulay brown.
Idagdag ang string beans, Shaoxing wine, light soy sauce, dark soy sauce at asukal. Haluin at timplahan ng asin ayon sa panlasa. Dagdagan ang apoy at ituloy pa ang paghahalo hanggang mag-evaporate ang natitirang likido—at ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |