|
||||||||
|
||
20180111Hangin.mp3
|
Sa pag-iimplementa ng public transport modernization program ng Duterte Administration, inaasahang mapapaginhawa, mapapadali at magiging komportable ang paglalakbay ng di-mabilang na mamamayang Pilipino.
Hindi lang 'yan mga, kaibigan, ito rin ay nakikitang solusyon sa lumalalang problema sa polusyon, dulot ng mga luma, di-ligtas at karag-karag na pampasaherong jeepney na naglipana sa lansangan ng Metro Manila at iba pang malalaking lunsod sa bansa.
Mapapaginhawa at mapapakomportable ang biyahe, maisasaayos pa ang kalidad ng hangin sa Kamaynilaan at iba pang malalaking siyudad sa Pilipinas. Talaga namang malaki ang pakinabang ng proyektong ito.
Tulad din sa Pilipinas, kinakaharap din ng bansang Tsina ang problema sa polusyon sa hangin, lalo na sa Beijing.
Noong nakaraang taon, malimit mangyari ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng Particulate Matter 2.5 (PM 2.5) sa hangin, bagay na nagbunsod sa Sentral na Pamahalaan ng Tsina upang ito'y bigyan ng maiging pansin.
Ayon sa mga pananaliksik, hindi mabuti sa katawan ang mataas na lebel ng PM 2.5 dahil sanhi ito ng ibat-ibang sakit na nakakaapekto sa baga at paghinga ng mga bata at mga predisposed na grupo.
Dahil din sa problemang ito, ilang mga negosyong lokal at dayuhan ang naapektuahan. Pero, dahil sa pagsisikap ng Pamahalaang Tsino, maraming hakbang ang isinagawa upang ito'y masolusyonan, at dahil sa mga ito, kapansin-pansing mas mabuti na ang kalidad ng hangin dito sa Beijing ngayon.
Sa aking karanasan, halos wala nang araw na mataas ang lebel ng PM 2.5 at nakakahinga na kami rito ng maluwang.
Ayon sa online magazine na JobTubeDaily, ang average density ng PM 2.5 sa Beijing noong 2017 ay 58 micrograms per cubic meter.
Ito ay nakaabot sa target at mas mababa ng 20.5% kumpara sa taong 2016, ani Liu Baoxian, Deputy Director ng Beijing Environmental Protection Monitoring Center, sa isang preskon.
Ayon pa sa naturang babasahin, ang densidad ng sulfur dioxide, nitrogen dioxide at PM10 ay bumaba rin ng 20%, 4.2% and 8.7%, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Dagdag pa ng JobTubeDaily, nagkaroon ng 226 na araw kung kalian ang kalidad ng hangin ay maganda noong 2017.
Anito pa, ang bilang na ito ay mas marami ng 28 beses kumpara noong 2016.
Samantala, ang bilang naman ng araw kung kalian mataas ang lebel ng polusyon ay bumaba. mula 39 sa 23.
Anang naturang babasahin, ayon sa air pollution plan na ginawa ng State Council ng Tsina noong September 2013, inatasan nito ang Lunsod ng Beijing na ibaba ang densidad ng PM 2.5 sa hangin mula 90 noong 2013 sa mga 60 micrograms per cubic meter hanggang sa katapusan ng 2017.
Kabilang sa mga pollution control measures na inilagay ay ang demolisyon ng mga coal-fired boilers at pagpe-phase-out ng mga sasakyang may mataas na emisyon ng usok (tulad din ng ginagawa ng Pilipinas sa ngayon), ayon kay Li Xiang, ng Beijing Bureau of Environmental Protection (BBEP).
Sinabi ni Li na ang mga maliit na coal-fired boiler ay halos natanggal na: ito ay pinalitan ng mga makinang de-gas o de-elektriko, at lahat ng distrito sa Beijing ay tumigil na sa paggamit ng uling o coal.
Mula 2013, isinara na ng Beijing ang 6 na planta ng semento, at isinara o in-i-upgrade ang nasa 2,000 kompanya ng pag-imprenta, casting, manupaktura ng muwebles, at iba pang sektor, dagdag ni Li.
Maliban sa Beijing, malaki rin ang ibinuti ng kalidad ng hangin sa kalapit na probinsya ng Hebei.
Ayon sa provincial environmental protection authorities ng nasabing probinsya, nagkaroon ito ng magandang kalidad ng hangin sa 66% ng mga araw mula noong Oktubre 1, 2017. Ito ang pinakamagandang tala ng kalidad ng hangin sa probinsya nitong 5 taong nakalipas.
Mga kaibigan, ang pagbabagong ito na nangyayari sa Beijing ay isang napakagandang progreso na nakalinya sa pangkalahatang plano ng sentral na pamahalaan ng Tsina.
Ito rin ay isang hakbang na kapareho ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa totoo lang, hindi pa ganap na nasusugpo ang polusyon sa hangin sa Beijing, pero, ang improvement na ito ay isang napakagandang hakbang patungo sa tamang direksyon.
Sa pamumuno ng Partido at Pamhalaang Tsino, sigurado akong, sa malapit na hinaharap, masusugpo na rin ang polusyon sa Beijing at iba pang malalaking lunsod ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |