Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Evacuees, umabot na sa higit sa 74 na libo

(GMT+08:00) 2018-01-25 16:55:22       CRI

Evacuees, umabot na sa higit sa 74 na libo

PATULOY na lumaki ang bilang ng mga nagsilikas dulot ng pagputok ng bulkang Mayon. Iniulat ni Governor Al Francis C. Bichara na mayroong 19,407 pamilya na mayroong 74,224 katao ang lumikas at naninirahan na sa may 754 na silid sa 72 evacuation centers.

Nagmula ang mga lumikas sa 60 barangay sa paanan ng bulkang Mayon na nagpakita ng kakaibang pagkilos mula noong Sabado, ika-13 ng Enero. Nananatili pa rin ang Alert Level 4 sa paligid ng bulkan at nangangahulugan na maaaring maganap ang mapaminsalang pagputok sa loob ng ilang araw o ilang oras.

Pinakamaraming lumikas mula sa Legazpi City na umabot sa 3,091 pamilya mula sa siyam na barangay.

Sinabi naman ng PHIVOLCS na nananatiling mapanganib pa rin ang paglalakbay sa pamamagitan ng eroplano sa dalang abo ng biglang pagputok ng bulkan.

Mula kahapon ng umaga hanggang kaninang ikatlo ng madaling araw, nagkaroon ng anim na malakas na pagbukal ng kumukulong putik na tumagal mula siyam hanggang 59 na minuto. Tumaas ang kumukulong putik ng hanggang 500 metro at naging sanhi ng pagpailanlang ng abo na umabot hanggang limang kilometro mula sa bibig ng bulkan.

Ang mainit na usok na bumulusok mula sa bibig ng bulkan na napuna sa Buyuan Channel ay lumampas na sa limang kilometro. Nagkaroon din ng 13 pagyanig ng lupa. Anim sa mga ito ang dala ng pagbukal ng kumukulong putik. Nakarating na ang nagbabagang putik sa Miisi ng may tatlong kilometro at Buyuan na may isang kilometro. Umabot sa 1,252 tonelada ng sulfur dioxide ang nailabas ng bulkan kahapon. Namamaga pa rin ang bulkan ayon sa pagsusuri ng mga siyentipiko ng PHIVOLCS.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>