|
||||||||
|
||
Pasado sa pamahalaan ang pananaliksik ng America, Japan at Timog Korea sa Benham Rise
NAKAPASA ang mga application ng America, Japan at South Korea na gumawa ng pananaliksik sa Benham Rise. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lalabas na hindi pinapaboran ng pamahalaan ni Pangulong Duterte ang Tsina.
Nagmula ang pinahuling detalyes na ito kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano.
Nakapasa ang mga kahilingan ng America, Japan at South Korea na manaliksik sa sinasabing mayamang karagatan.
Lumabas ang pahayag matapos punahin si Secretary Roquer sa pagsasabi na ang pananaliksik ay napakagastos. Ipinagtanong ni Senate President Aquilino Pimentel III kung bakit kailangan pang makipagsabayan ang Pilipinas sa Tsina sa pananaliksik,
Sinabi ni UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal na ang pahayag ni Atty. Roque ay mali at nakasalalay sa kawalan ng kaalaman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |