Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sama ng panahong si "Agaton" malapit na sa Palawan

(GMT+08:00) 2018-01-03 17:00:43       CRI

IBINALITA ng PAGASA na malapit na sa lalawigan ng Palawan ang sama ng panahong si "Agaton." Ganap na ala-una ng hapon, ang mata ng sama ng panahon ay tinatayang may 245 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Puerto Princesa City o may 265 kilometro sa kanluran ng Dumaguete City sa Negros Oriental.

Tanging ang Palawan, kabilang ang Cuyo Island, ang saklaw ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 1. May lakas itong 55 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras. Kumikilos ito ng 28 kilometro bawat oras tungo sa kanluran. Inaasahan itong tatama sa lupa sa ika-anim na pagkakataon at lalabas ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Huwebes ng umaga.

Inaasahan pa ang malakas na pagbuhos ng ulan sa Bicol, Silangang Kabisayaan, katimugang bahagi ng Quezon, Panay Island at maging sa Mindoro, Marindugue, Romblon at Palawan.

Wala pang ulat sa pinsalang idinulot ng sama ng panahon.

Sinisiyasat pa rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang impormasyong may dalawang nasawi dala ng sama ng panahong si "Agaton."

Ayon kay Bb. Romina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, may impormasyong may nasawi sa pagguho ng lupa sa Cebu samantalang may nasawi sa sakuna samantalang lumilikas.

Inaalam pa nila sa Department of Interior and Local Government ang impormasyon.

Mayroong 611 pamilya sa Capiz, Zamboanga del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island at sa Agusan del Norte ang lumikas upang maiwasan ang panganib na dulot ng sama ng panahon.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>