Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Petisyon laban sa dagdag na isang taon ng Martial Law, ibinasura

(GMT+08:00) 2018-02-07 16:42:22       CRI

Petisyon laban sa dagdag na isang taon ng Martial Law, ibinasura

IBINASURA ng Korte Suprema ang mga petisyong humiling na pawalang-saysay ang deklarasyong dagdag na isang taon ng Martial Law sa Mindanao. Ayon sa Korte Suprema, may sapat na dahilan sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang Kongreso sa pagdedeklara ng mas mahabang panahon ng Martial Law.

Sinabi ni Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, umabot sa 10 laban sa lima ang botohan na nagsasabing ayon sa Saligang Batas ang Martial Law extension.

Kailangan ng "public safety" ng extension ayon sa datos ng Armed Forces of the Philippines.

Si Associate Justice Noel Tijam ang may akda ng desisyon ng mayorya na kinatigan nina Associate Justices Presbitero Velasco, Jr., Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Estela Perlas Bernabe, Samuel Martirez, Angres Reyes, Jr. at Alexander Gesmundo.

Ang hindi kumatig sa martial law extension ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardeleza at Alfredo Benjamin Caguioa.

Apat ang petisyong nakarating sa Korte Suprema na nagtatanong kung sang-ayon ba ang deklarasyon ng isang taong extension sa Saligang Batas. Ang isa sa mga nagpetisyon ay si Albay Congressman Edcel C. Lagman. Sumunod naman ang National Union of People's Lawyers at ang Makabayan Bloc ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Nagpetisyon din si dating Commission on Human Rights chairman Loretta Ann Rosales, isang grupong kinabibilangan ni Congresswoman Kaka Bag-ao at dating Comelec chair Christian Monsod.

Ayon sa desisyon, ang ginawa ng Kongreso ay sapat na at 'di na kailangan pa ng judicial review. May sapat na umanong kalakaran at pamamaraan ang Kongreso kaya't 'di na kailangan pang magkaroon ng pagbabalik-aral ang Hudikatura.

Tahimik din umano ang Saligang Batas kung hanggang ilang ulit magkakaroon ng extension ang Martial Law tulad rin ng suspension ng writ of habeas corpus.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>