|
||||||||
|
||
Mga lumikas mula sa paanan ng bulkang Mayon umabot na sa higit sa 84 na libo
PATULOY na lumago ang bilang ng mga lumikas mula sa paanan ng bulkang Mayon sapagkat umabot na sa 84,415 katao mul sa 21,950 mga pamilya sa 61 barangay ang nasa evacuation centers.
Pansamantala silang naninirahan sa 1,035 silid-aralan sa 78 evacuation centers na pawang mga paaralan ng pamahalaan. Tatlong lungsod at anim na bayan ang apektado ng pagputok ng bulkan.
Dahil sa maagang paglilikas, walang nabalitang nasawi, nawawala at nasugatan mula noong ika-13 ng Enero. May halos 250 katao na ang nabalitang sinisipon at inuubo, 67 na ang nilalagnat, 39 naman ang tumaas ang presyon. Mayroong 46 ang naabalitang may respiratory infection.
Na sa evacuation centers ang 254 na nagdadalang-tao at 979 ang nagpapasuso ng kanilang mga supling.
Samantala, may 2,933 ektaryang palayan ang napinsala at nakaapekto sa kabuhayan ng may 2,044 na magsasaka. Umabot ang pinsala sa halagang higit sa P 73 milyon. Mayroon ding higit sa 800 ektaryang natatamnan ng gulay na binubungkal ng halos 3,100 magsasaka ang napinsala at nagkakahalaga ito ng higit s P19.5 milyon. May 126 na ektaryang maisan ang napinsala ng pag-ulan ng abo. May 190 magsasaka ang nagbubungkal nito at nawalan ng higit sa P 6.8 milyon.
Mayroon ding higit sa 71 ektaryang natatamnan ng mga prutas at inaalagaan ng 176 na magsasaka ang napinsala. Nawalan sila ng halagang higit sa limang libong piso.
Nailikas naman ng mga magsasaka ang kanilang mga alagang hayop tulad ng 345 na baka, 329 mga kalabaw at pitong kabayo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |