Palasyo, pinabulaanan ang akusasyong sunud-sunuran si Pangulong Duterte sa ibang pamahalaan
SINABI ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi kailanman naging sunud-sunuran si Pangulong Rodrigo Duterte sa nais ng ibang bansa.
Ito ang reaksyon ng Palasyo matapos akusahan ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ang Duterte administration ng pagbubulagbulagan sa ginagawang mga pasilidad ng Tsina sa South China Sea.
Mananagot si Pangulong Duterte sa mga mamamayan, dagdag pa ni G. Roque. Ginagawa niya ang inaakala niyang higit na makabubuti para sa bansa, dagdag pa ng tagapagsalita.
Hinamon pa niya si G. Carpio na umalis na sa Hudikatura at maghangad ng posisyon sa pamamagitan ng halalan. Sa pananahimik umano ng pamahalaan, lumakas ang lob ng Tsina na ituloy ang pagtatatag ng mga pulo sa Spratlys at iba pang bahagi ng South China Sea, ayon kay Ginoong Carpio. Sa pananahimik na ito, baka kilalanin ng international community na pinapayagan ng Pilipinas ang ginagawa ng Tsina.
1 2 3