Department of National Defense, ikinagalak ang desisyon ng Korte Suprema
NAGPASALAMAT ang Department of National Defense sa desisyon ng Korte Suprema na walang nilalabag na probisyon sa Saligang Batas ang pagpapahaba ng Martial Law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taong 2018.
Sa isang pahayag, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa desisyon ng Korte Suprema, maipatutupad ng buong pamahalaan ang mga programa nito upang masupil ang rebelyon sa Mindanao.
Nagpasalamat din ang Department of National Defense sa tiwala ng mga sangay ng pamahalaan at sa suporta ng mga mamamayan. Higit umanong sisigla ang mga kawal at pag-iibayuhin ang paglilingkod sa pagbabantay sa kaligtasan ng madla sa Mindanao at sa pagpapatupad ng Task Force Bangon Marawi na magpapatuloy sa pagsasaayos ng napinsalang lungsod.
Hindi umano sasayangin ng tanggulang pambansa ang tiwala ng mga mamamayan at ng buong pamahalan.
1 2 3