Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaisa, susi sa kaunlaran

(GMT+08:00) 2018-02-22 17:50:05       CRI

Pagkakaisa, susi sa kaunlaran

NANINIWALA si dating Pangulong Fidel V. Ramos na kailangang magkaisa ang mga Filipino at itabi ang mga 'di pagkakaunawaan tulad ng mga naganap noong 1986 na nagsama-sama ang mga Filipino sa EdSA.

Binanggit ni Pangulong Ramos ang mga 'di pagkakaunawaang nagaganap sa bansa tulad ng pagpapatalsik kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ang 'di pagkakasundo nina Pangulong Duterte at ng kanyang liderato kay Ombudsman Conchita Carpio Morales at ang mga isyung may kinalaman sa mga pumupunang mamamahayag.

Naiiwan na umano ang Pilipinas na dapat ay na sa ikalimang puwesto na sa mga bansa sa rehiyon.

Kailangang magkaisa ang mga mamamayan upang umunlad ang Pilipinas, dagdag pa ni G. Ramos. Noon umanong EDSA 1, nagkaisa ang mga mamamayan, mula sa mga kawal, sa mga sibilyan, mga mamamayan ng iba't ibang rehiyon at naganap ang people empowerment.

Ang pagbabalik sa demokrasya ng Pilipinas matapos ang diktadura ni Marcos ang magandang ambag ng bansa sa daigdig.

Sa isang pagpupulong sa University of the Philippines kanina, nanawagan si G. Ramos sa mga kabataan na patibayin at patatagin ang demokrasya sa bansa na naibalik may 32 taon na ang nakalilipas.

Gugunitain sa Linggo ang ika-32 anibersayo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay Pangulong Ferdinand E. marcos

Sa pagtitipon sa University of the Philippines, nanawagan naman si Vice President for Academic Affairs Cynthia Rose Bautista sa madla na pag-aralang muli ang pagpapahala sa demokrasya.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>