|
||||||||
|
||
Melo 20180216
|
Labi ni Joanna Demafelis, dumating na
SINALUBONG ng mga luhaang kamag-anak ang labi ni Joanna Demafelis kaninang pasado alas dies ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng Gulf Air GF 154 mula sa Bahrain.
Sumalubong din sa labi si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration. Dadalhin ang labi ni Demafelis sa Sara, Iloilo bukas ng umaga. Nagpaliwanag na rin umano ang Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait sa nabalitang pagtangging tumugon sa kahilingan ng pamilya ni Demafelis.
May ginagawa nang internal investigation ang OWWA at Philippine Overseas Employment Administration sa pangyayaring ito. Ayon sa autopsy report, nabali ang ilang tadyang ng kasambahay at nagkaroon ng matitinding pinsala sa kidney area at nagkaroon ng internal bleeding.
Huling nakipagbalitaan ang biktima sa kanyang pamilya noong Setyembre ng 2016 at patay na bago inilagay sa freezer noong Nobyembre ng 2016. Maayos ang mga papeles ni Demafelis ng makarating sa Kuwait at nawalan na ng suporta mula sa employment agency ng mawalan ng lisensya.
Sa pagkakadiskubre ng labi ni Demafelis, ipinag-utos ng pamahalaan ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |