|
||||||||
|
||
Speaker Alvarez, nanawagan sa Simbahang Katolika
MARAPAT na igalang ng Simbahang Katolika ang obligasyon ng pamahalaan na ipagtanggol ang kalagayan ng mga Filipino at huwag nang humadlang sa Kongreso na magpatupad ng batas na bumubuwag sa kasal at nagsusulong sa diborsyo.
Nakapasa na sa committee level ang substitute bill sa pagbuwag sa kasal at pagkakaroon ng diborsyo. Si Speaker Alvarez ang isa sa mga may akda ng panukalang batas
Umaasa ang pinuno ng Mababang Kapulungan na maipapasa ng plenaryo ang panukalang batas bago magbakasyon ang mga kongresista sa darating na Biyernes, ika-23 ng Marso.
Kailangan umanong igalang ng Simbahan ang obligasyon ng pamahalaan na magpasa ng mga batas at igagalang din ng pamahalaan ang obligasyon ng Simbahan.
Ito ang bahagi ng kanyang talumpati sa harap ng mga bagong kasapi ng Patido ng Demokratikong Pilipino. Nanumpa ang mga bagong opisyal sa Bataan kay Speaker Alvarez.
Patuloy na kinokontra ng Simbahan ang mga panukalang magpasa ng batas sa diborsyo noon pa mang mga nakalipas na panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |