Chief Justice Sereno, may utang sa Bureau of Internal Revenue
UMABOT sa P 2 milyon ang pagkakautang sa buwis ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ng maging kinatawan ng pamahalaan sa usapin ng Philippine International Air Terminals Company mula 2004 hanggang 2009.
Ito ang sinabi ng Bureau of Internal Revenue sa pagdinig sa House Committee on Justice na nagsusuri sa mga tax record ng punong mahistrado. Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na ang legal fees na kinita ni Atty. Sereno mula sa usapin ng PIATCO ay umabot sa P 32,494,805.27 o $ 625,179.68.
Ayon kay Atty. Larry Gadon, umabot sa P 37 milyon ang kinita ni Atty. Sereno samantalang sinabi ni Atty. Sereno na umabot lamang sa P 30 milyon ang kanyang natanggap na kabayaran. Mali umano ang mga halagang binanggit ng magkabilang-panig, ayon kay Commissioner Guballa.
1 2 3 4