National Food Authority, inakusahang dahilan ng pangamba ng mga mamamayan hinggil sa kakulangan ng bigas
INAKUSAHAN ni Senador Cynthia Villar si National Food Authority Administrator Jason Aquino sa pagiging dahilan ng pangamba ng mga mamimili sa kakulangan ng bigas sa pamilihan.
Sa pagdinig ng Senado kanina, sinabi ni Senador Villar na kakaiba ang sinasabi ni Administrator Aquino sa pagsasabing walang sapat na bigas samantalang obligasyon niya itong mapaniling sapat ang supply upang hindi maganap ang krisis.
Sinabi ni G. Aquino na mayroon na lamang na halos dalawang araw na buffer stock ng bigas sa bansa. Kailangang mapanatili ng National Food Authority ang 15 na araw na buffer stock ng bigas sa kanilang mga bodega. Kailangan ding magkaroon ng buffer stock na tatagal ng 30 araw sa panahon ng kagipitan sa supply na karaniwang nagaganap mula Hulyo hanggang Setyembre.
Ani Senador Villar, kailangang magtungo ang NFA sa kanayunan upang mamili ng palay kung ang presyo ng bigas at mataas sa Central at Northern Luzon. Obligasyon umano nni Administrator Aquino na maghanap ng murang palay at tulungan ang mga magsasaka.
1 2 3 4