|
||||||||
|
||
Anim na Filipino ang nagpapatiwakal araw-araw
STRESS ANG DAHILAN NG SUICIDE. Sinabi ni Dr. Cornelio Banaag, Jr., pangulo ng Philippine Mental Health Association na stress sa pag-aaral, pamilya at social media ang nangungunang dahilan ng pagpapatiwakal. Nangangamba siya sapagkat marami sa mga kabataan ang nagpapatiwakal sa nakalipas na ilan taon. (Melo M. Acuna)
ANIM NA FILIPINO ANG NAGPAPATIWAKAL ARAW-ARAW. Sa pagsusuri ni dating Civil Registrar General at National Statistician Carmelita N. Ericta, aabot sa anim na Filipino ang nagpapatiwakal araw-araw sa buong bansa. (Melo M. Acuna)
SA isang bansang karamiha'y mga Kristiano na katatagpuan ng higit sa 100 mamamayan noong Agosto ng 2015, umaabot sa anim katao ang napapatiwakal araw-araw. Ito ang sinabi ni dating Civil Registrar General at National Statistician Carmelita N. Ericta sa datos mula 2012 hanggang 2016.
Samantalang ang bilang ay maaaring masabing maliit, ang isang buhay na nawala ay napakahalaga, dagdag pa ni Gng. Ericta.
Sa kanyang pagharap sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Dr. Cornelio Banaag, Jr., pangulo ng Philippine Mental Health Associaiton na ang pinakadahilan ng pagpapatiwakal ay stress. Idinagdag pa niyang malaki ang posibilidad na mas marami pa ang nagpapatiwakal subalit hindi na naibabalita o naiuulat sapagkat mayroong stigma o masamang pakahulugan sa pagpapatiwakal.
Nakababahala umani ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nagpapatiwalakal sapagkat noong 2012 hanggang 2016, nagkaroon ng 237 kaso ng pagpapatiwakal ng mga kabataan mula sa 10 hanggang 14 na taong gulang.
Karamihan ng mga kabataan ang hindi nakakayang humarap sa hamon at "hirap" ng pag-aaral, problema sa pamilya at problemang dulot ng social media.
Ani Dr. Banaag, mayroong mga kabataang nagsusugat ng kanilang braso at iba pang bahagi ng katawan upang makaramdam ng kaginhawahan. Hindi pa umano napag-uusapan ang kalagayan ng mga may lubhang kalungkutan, bipolar disorder at pagbabago-bago ng takbo ng ugali't isip.
Ayon kay Fr. Dario Cabral, chairperson ng Diocese of Malolos Commission on Family and Life, naghahanap ang mga kabataan ng kanilang kabibilangang grupo, tulad ng mga barkada. Dito mahalaga ang papel ng pamilya. Nagkakaproblema lamang sapagkat may mga kabataang nahihirapan sa pagkawala ng ama o ina sapagkat naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Mayroon ding mga nangingibang-bansa upang makalayo sa problema sa pamilya.
Sa panig ni Dr. Amadeo Alinea ng Philippine Psyciatric Association, iba't ibang ang kahulugan ng stress sa mayaman o mahirap sapagkat walang pagkakaiba ang epekto ng stress sa lahat ng mga mamamayan.
Nabanggit din ni Dr. Alinea na mayroong mga kabataang mula sa pamilyang Katoliko na nagbabago at nagiging "free-thinkers."
Bagama't mayroong tulong ang National Center for Mental Health, sinabi ni Dr. Kathryn Tan na nakatutugon sila sa mga pasyente mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ang problema lamang ay ang hirap ng paglalakbay patungo sa Maynila kaya't may mga pasyenteng 'di na nakababalik para sa follow-up. Isang bagay din ang presyo ng gamot ng mga may sakit sa pag-iisip.
Sa kabilang dako, sinabi ni Dr. Banaag na higit na magdudulot ng suliranin sa pamilya ang pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |