|
||||||||
|
||
20180319
|
LIMA katao ang nasawi sa sunog na naganap sa Manila Pavillion Hotel kahapon ng umaga.
Sa pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, nagmula ang sunog kahapon ng mga ikasiyam at kalahati ng umaga sa ikalawang palapag ng gusali na isinasaayos.
Sinasabing lima ang nasawi. Mayroong 73 kawani ang PAGCOR sa hotel. Mayroon pang nasa malubhang kalagayan at may pinaghahanap pa.
Makatatanggap ng kaukulang benepisyo ang mga nasawing kawani. Nakatulong din ang ibang mga kawani sa paglilikas sa kanilang mga kasamahan kaya't naiwasan ang karagdagang biktima.
Naghihintay pa ang PAGCOR ng update mula sa kinauukulan. Wala pang pahayag ang Bureau of Fire Protection sa naganap na insidente.
Deklaradong natapos ang sunog kaninang bago sumapit ang ika-labing isa ng umaga. Mayroon ding 24 na nasugatan at nasaktan sa insidente. Umabot ang apoy sa ikapitong palapag at lubhang apektado ang ground floor ng hotel. Inaalam kung totoong hindi napakinabangan ang sprinkler system ng gusali.
Nagkaroon pa ng fire drill sa hotel isang linggo bago naganap ang mapaminsalang sunog.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |