|
||||||||
|
||
Dating kalihim ng DPWH at mga kasama, inakusan ng National Bureau of Investigation
IPINARATING ng National Bureau of Investigation ang reklamong graft plunder at graft laban kina dating Public Works Secretary Rogelio Singson at mga kasamang opisyal sanhi ng paglabag sa batas sa pagbabayad ng right-of- way sa General Santos City.
Ipinarating ng NBI ang reklamo laban sa 34 katao sa Office of the Ombudsman matapos ang anim na buwang pagsisiyasat sa kautusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Kabilang sa mga usapin ang grave misconduct at dishonesty ayon sa paglalahad ng isang Roberto Catapang na nagsumbong ng anomalya kay Secretary Aguirre noong nakalipas na taon.
Kinilala ni Secretary Aguirre ang mga ipinagsumbong na sina Secretary Singson, Budget Secretary Florencio Abad at iba pang mga opisyal mula sa iba't ibang tanggapan. Naganap umano ang anomlya sa kagagawan ng maituturing na sindikato.
Ginamitan ng mga palsipikadong titulo ng lupa at mga pangalan ng taong hindi naman nabuhay.
Inaalam pa ng NBI kung maisasama sa ipagrereklamo si dating Budget Secretary Abad.
Sa panig ni dating Secretary Singson, hindi siya makapagbibigay ng pahayag sapagkat na sa ibang bansa pa siya. Itinanggi rin niya ang mga paratang sa kanya sa kanyang paharap sa Senado. Hindi umano siya nakinabang 'di tulad ng pahayag ni Secretary Aguirre at walang P 8.7 bilyong ibinayad sa General Santos. Sa kanyang pagharap sa Senado, binanggit ni Singson na wala siyang pinakinabangan sa mga paratang ng kalihim ng katarungan. Magugunitang sinabi ni G. Singson na hindi rin siya mandarambong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |