Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider Tsinong hindi miyembro ng CPC

(GMT+08:00) 2018-03-23 16:41:27       CRI

 

 

Kapag sinabing gobyerno ng Tsina, marami ang nagsasabi na ito ay pinamamahalaan ng iisang partido lamang, ang Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Totoo na ang CPC ang naghaharing partido sa Tsina, at tulad sa atin sa Pilipinas, ang PDP-Laban ang naghaharing partido, pero, hindi totoo na iisa lamang ang pulitikal na partido sa Tsina, at lalung hindi rin totoo na ang CPC lamang ang tanging kumokontrol at namamahala sa bansa.

Sa totoo lang mga kaibigan, mayroong 9 na partido pulitikal sa Tsina, kasama na ang CPC, at ang lahat ng ito ay may boses sa pamamahala at direksyon na tinatahak ng bansa.

Kamakailan ay kinatagpo ng mga lider ng 8 partidong di-kaanib ng CPC, kasama ang ilan pang grupong pang-negosyo ang mga media mula sa loob at labas ng Tsina.

Kasama rin sa event na ito ang business association na All-China Federation of Industry and Commerce (ACFIC).

Ibinahagi nila ang kanilang mga achievement, commitment, at plano sa paghubog ng bansa.

Taliwas sa paniniwala ng marami sa atin, lalung-lalo na ang mga bansang kanluranin, ang Tsina ay may katangi-tanging sistemang politikal – ito ay ang multi-party cooperation system.

Ang political set-up ng Tsina ay kakaiba kumpara sa pluralist party system na karaniwang makikita sa mga bansang kanluranin, at ito rin ay iba sa one-party system na ginagamit sa ilang awtokratikong bansa. Ito ay sistemang pulitikal na may karakteristikong Tsino.

Pero, ang tanong, kung ganito ang sistemang pulitikal sa Tsina, hindi ba ito magulo, at paano ito umaandar?

Well, tulad ng sabi ko kanina, ang CPC ang namumunong partido sa bansa at nakikipagtulungan ito sa 8 iba pang partido pulitikal upang mapabuti at mahawakan nang mabuti ang mga usaping pang-estado.

Kabilang sa walong partidong ito ay Revolutionary Committee of the Chinese Kuomintang, China Democratic League, China National Democratic Construction Association, China Association for Promoting Democracy, Chinese Peasants and Workers Democratic Party, China Zhigong Party, Jiusan Society, at Taiwan Democratic Self-Government League.

Nakikipagkonsultasyon ang CPC sa 8 partido pulitikal na ito hinggil sa malalaking prinsipyo, polisiya, at isyung nakaka-apekto sa pamamalakad ng bansa.

Bukod pa riyan, mayroong superbisyon sa bawat isa ang bawat partido. Kung baga, may sistema ng check and balance, tulad ng ating Ehekutibo, Lehislatibo at Hudikatura sa Pilipinas.

Ang mga miyembro ng naturang 8 partido pulitikal ay mayroon ding matataas na puwesto sa gobyerno, maging ito man ay sentral o lokal at departamentong hudisyal.

Ang ibat-ibang lebel ng pamahalaang Tsino ay nakikipagkoordinasyon din sa 8 partido pulitikal, at kasali ang mga ito sa deliberasyon ng mga usaping administratibo.

Bukod pa riyan, ang 8 partido ay kasali rin sa konsultasyon hinggil sa malalaking isyung pambansa, sa pamamagitan ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC).

Bawat isa sa walong partido pulitikal ay may kanya-kanyang priyoridad, at bawat isa sa mga ito ay may libu-libong miyembro.

Ang pulitikal na sistemang ito ay lubhang mahalaga para sa Tsina. Kamakailan, nakipagkita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga political adviser at ipinagdiinan niyang ang multi-party cooperation at political consultation sa ilalim ng pamumuno ng CPC ay kailangang palakasin at paunlarin.

Mga kontribusyon ng mga partidong di kaanib ng CPC

Sinabi ni Wan Gang, Tagapangulo ng China Zhigong Party, masipag na nagpunyagi ang Zhigong sa usapin ng judicial reform at pagsasa-ayos ng estruktura ng enerhiya sa rehiyon ng Beijing-Tianjin-Hebei nitong nakaraang 5 taon.

Samantala, ikinuwento naman ni Gao Yunlong, bagong Tagapangulo ng All-China Federation of Industry and Commerce, kung ano ang ginawang kontribusyon ng mga pribadong kompanya sa "targeted poverty alleviation" nitong nakaraang 5 taon.

Bukod dito, libu-libong pribadong kompanya ang nagbigay ng 52.7 billion yuan (8.3 billion US dollars) sa di-mabilang na barangay. Higit sa lahat, nagbigay rin sila ng trabaho at kakayahan para sa mga mamamayang rural.

Lahat ng 8 partido pulitikal na di-kaanib ng CPC ay nagbibigay ng kontribusyon sa paghubog at pagsulong ng Tsina, at sa paraang iyan gumagana ang sistemang pulitikal ng Tsina. Ipinapakita rin nito kung gaano ka-importante ang CPPCC.

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Bandang Flower: Pinakabatang POP-Punk Band sa Tsina. 2018-02-01 18:13:24
v Etekite ng Pagkaing Tsino 2018-02-01 16:42:49
v Pagkaing Tsino 2018-01-25 17:17:24
v Hangin ng Beijing, 20% mas mailinis na 2018-01-11 16:48:39
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>