|
||||||||
|
||
Anim na kasunduan, nalagdaan sa Hainan, Tsina
SINAKSIHAN nina Pangulong Xi Jinping at Rodrigo Duterte ang paglagda sa anim na kasunduan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas matapos ang kanilang bilateral meeting kagabi sa Hainan, Tsina.
Natuwa si Pangulong Duterte sa patuloy na paglalim ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinagpasalamat din niya ang pagiging punong-abal ng Tsina sa 6th Annual Defense and Security Talks upang higit na lumalim ang pagtutulungan at pagkakaibigan.
Nagpasalamat muli G. Duterte sa tulong ng Tsina noong may nagaganap na kaguluhan sa Marawi City.
Kabilang sa mga kasunduan ang Economic and Technical Cooperation na nilagdaan nina Finance Secretary Carlos Domingues at Chinese Minister of Commerce Zhong Shan. Lumagda rin sila sa Phase III ng technical cooperation para sa Filipino-Sino Center for Agricultural Technology.
Nagkaroon din ng kasunduan hinggil sa panukalang Davao City Expressway project na nilagdaan ni Public Works Secretary Mark Villar at Minister Zhong. Nagkaroon din ng kasunduan hinggil sa mga broadcast equipment sa Presidential Communications Operations Office na nilagdaan ni Secretary Martin Andanar at Minister Zhong.
Nagkasundo rin ang Tsina at Pilipinas hinggil sa pagkakaroon ng mga gurong Filipino na magtuturo ng Ingles sa Tsina sa pamamagitan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Chinese Ambassador Zhao Jianhua. Nagkasundo rin ang magkabilang panig sa pautang hinggil sa Chico River Pump Project.
Kasama ni Pangulong Duterte sa bilateral meeting si Davao City Mayor Zara Duterte-Caprio at iba pang mga opisyal ng gabinete.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |