|
||||||||
|
||
Balikatan, sinimulan na
SINIMULAN na kahapon ang Balikatan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa pamamagitan ng community engagements sa iba't ibang bahagi ng Luzon. Bahati ito ng Balikatan (BK) 2018.
Ayon sa Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines, nagaganap ito sa pagitan ng mga kawal na Filipino at mga tauhan ng United States Pacific Command.
Bagama't pormal na magbubukas ang Balikatan sa ika-pitong araw ng Mayo 2018, tampok dito ang humanitarian civic action sa mga napiling pook sa Cagayan at sa Central Luzon. Magtatayo din sila ng tig-dadalawang silid aralan sa limang iba't ibang pook sa Tarlac, Nueva Ecija, Cagayan at isabela.
Magkakaroon din ng libreng panggagamot at pagsasanay kasama ang mga pamahalaang lokal.
Magpapalitan sila ng impormasyon at live training events sa pagbibigay ng halaga sa magkasmang operasyon upang isulong ang pangrehiyong seguridad at pagtugon sa mga problema sa seguridad.
Nakatuon ang ika-34 na Balikatan sa Mutual defense, humanitarian assistance at disaster relief kasama na ang counter-terrorism.
Samantala, kaninang ikawalo ng umaga ang groundbreaking ceremony sa pagtatayo ng dalawang silid-aralang gusali sa Cabu Elementary School sa Cabanatuan City, bilang bahagi ng RP-US Balikatan 2018.
Dumalo sa seremonya and kinatawan ng punong-lungsod ng Cabanatuan at mga tauhan ng 7th Infantry Division. Naganap din ang kahalintulad na seremonya sa Calangitan Elementary School sa Capas, Tarlac.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |