|
||||||||
|
||
20180502melo.m4a
|
Mga 4,000 panauhin, inaasahan sa taunang pulong ng Asian Development Bank
ADB President Takehiko Nakao. File photo mula sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines noong Enero 2018. (Melo M. Acuna)
NAGSIMULA ng dumating ang mga kalihim ng pananalapi, mga gobernador ng mga bangko sentral, mga kinatawan ng pribadong sektor, mga alagad ng akademya, mga tinaguriang development partner, mga kabataan at maging mga mamamahayag para sa ika 51 Annual Board of Governors' meeting na magsisimula bukas sa Asian Development Bank.
Ayon sa mga opisyal ng Asian Development Bank, magmumula ang mga delegado sa Asia, sa America at maging sa Europa. Magtatapos ang pulong sa Sabado, ika-lima ng Mayo.
Nagpasalamat si ADB President Takehiko Nakao kay G. Carlos G. Dominguez III, ang Kalihim ng Pananalapi ng Pilipinas na siyang Chairman of the Board of Governors sa pagiging punong abala sa pulong, sampu na rin sa Pamahalaan ng Pilipinas sa taunang pulong. Tema ng pagtitipon ang "Linking People and Economies for Inclusive Development."
Mula sa pagpupulong noong nakalipas na taon, nag-usap na sina G. Dominguez at Nakao hinggil sa mga paraan upang higit na mapalapit ang ADB sa mga pangangailangang pangkaunlaran ng mga bansang kasapi sa bangko.
Napag-usapan rin ang gaganaping pulong ngayong linggo. Ang pulong sa Maynila ang ika-16 mula ng itatag ito (ang bangko) noong 1966. Naganap ang pinakahuling annual meeting sa Pilipinas noong 2012.
May mga inilaang seminar at pagtitipon na susuri sa epekto ng makabagong teknolohiya at pagbubukas ng mga pamilihan sa trabaho at kung paano makapaghgahanda ang mga bansa sa magaganap na pangyayaring ito.
May itinataguyod na pulong ang Pilipinas hinggil sa mga silk road at mga layunin nito, pagkakaroon ng pagsasaayos ng international economic order at paraan kung paano magkakatotoo ang financial inclusion. Layunin ng bangko na mabawasan ang kahirapan sa Asia at sa Pacific sa pagkakaroon ng mga palatuntunang mag-aangat sa mga mamamayan, kaunlarang tugma sa kalikasan at pagkakaroon ng regional integration.
Magugunitang itinatag ang Asian Development Bank noong 1966 at pag-aari ng 67 bansa. Mayroong 48 bansa sa Asia Pacifico ang may-ari ng bangko. Noong nakalipas na aon, umabot sa US$ 32.2 bilyon ang kanilang gastos sa co-financing.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |