|
||||||||
|
||
Dating Pangalawang Pangulo Teofisto Guingona at 350 iba pa, nagpetisyon sa Korte Suprema na pawalang-saysay ang quo warranto petition
PINAMUNUAN ni dating Pangalawang Pangulo Teofisto Guingona, Jr. ang may 350 iba pang kinabibilangan ng mga mambabatas, alagad ng sining, mga pinuno ng mga kumakatawan sa iba't ibang pananampalataya, mag-aaral at iba pa ang petisyon sa Korte Suprema na pawalang-saysay ang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa isang manifesto na ilalathala sa mga pahayagan bukas, sinabi ng mga lumagda na inalis ng Korte Suprema ang "checks and balances" na nakasaad sa Saligang Batas. Ang usapin ay isang banta sa karapatan ng bawagt mamamayan na magkaroon ng malaya at walang pinapanigang justice system sa pagtanggap sa petisyon ni Solicitor General Jose Calida para sa quo warranto.
Nanawagan din ang grupo ni G. Guingona na dating Kalihim ng Katarungan sa limang mahistrado na huwag nang lumahok sa pagdinig sa usapin. Kinilala ang mga ito sa mga pangalang Associate Justices Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Noel Tijam, Lucas Bersamin at Francis Jardeleza. Makabubuti umanong magbitiw na ang mga ito kung lalahok pa sila sa pagdinig.
Kabilang sa mga lumagda sina Senador Antonio Trillanes IV at Francis Pangilinan, mga kasapi sa Makabayan Bloc sa House of Representatives, dating Senador Rene Saguisag, dating CHR Chair Loretta Ann Rosales, mga national artist na sina Bienvenido Lumbera at Benedicto Cabrera at Rev. Fr. Robert Reyes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |