|
||||||||
|
||
Belt and Road Initiative, isang paraan ng integration
ISANG paraan ang Belt and Road Initiative na inilunsad ni Pangulong Xi Jinping upang maganap ang pagsasama-sama o integration.
Ito ang pananaw ni Pangulong Takehiko Nakao ng Asian Development Bank sa idinaos na press briefing kanina. Aniya, sinimulan nila sa bangko ang pagsusulong ng integration noon pa mang dekada nobenta.
Mayroon na umano silang nilagdaan kasunduan sa mga autoridad sa Tsina upang higit na makatulong sa mga bansa at mga mamamayan.
BELT AND ROAD INITIATIVE, KAILANGAN SA INTEGRATION. Sa pagkakaroon ng Belt and Road Initiative ng Tsina, higit na madadali ang regional integration, dagdag pa ni G. Takahiko Nakao, pangulo ng Asian Development Bank. (ADB Photo)
Ang BRI ay isang paraan upang magkaroon ng regional cooperation at naniniwala rin siya sa kahalagahan ng connectivity sa buhay ng mga mamamayan.
Kung ang mga bansa ay manghihiram ng salapi para sa mga pagawaing-bayan nang hindi kinikilala ang halaga at pakinabang sa mga ito, magkakaproblema sa pagbabayad ng utang. Hindi isang currency o monetary institution and Asian Development Bank, dagdag pa ng pangulo ng bangkong pang-rehiyon.
Ang paggamit ng Renmenbi ay mahalaga depende sa pangangailangan ng pamilihan.
Mahalaga ang Tsina para sa Asian Development Bank mula ng lumahok ang maunlad na bansa noong 1986, dagdag pa ni G. Nakao.
May 12 hanggang 15% ng kanilang ipinaluwal na salapi ang nakarating sa mga proyekto ng Tsina. Hinggil sa Asian Infrastructure Investment Bank, mayroong apat na proyekto na kapwa tinustusan ng ADB at AIIB. Umaasa pa si Pangulong Nakao na magkakaroon ng dagdag na mga proyektong maipapasa sa mga susunod na araw.
May 3,100 kawani ang ADB at mayroong ilang daang mga kawani ang AIIB.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |