Senate President Pimentel, mapapalitan na
HANDANG lumisan sa kanyang tanggapan si Senate President Aquilino "Koko" Pimentel III kasunod na resolusyon na nilagdaan ng 14 niyang mga kasama na humihiling ng pagbalasa sa liderato. Nahalal ang Senate Majority Leader na si Senator Vicente Sotto III. Magugunitang kabilang sa mga komedyanteng Tito, Vic & Joey ang maluluklok na Senate President bago pumasok sa politika.
Sa panayam, sinabi ni Senate President Pimentel na handa siya sa balasahang magaganap. Magkakaroon ng caucus ang majority bloc sa Lunes upang pag-usapan ang mga pagbabago.
Kasama pa rin naman siya sa majority, dagdag pa ng senador. Kabilang sa mga lumagda sa resolusyon niya Senadot Juan Edgardo Angara, Nancy Binay, Joseph Victor Ejercito, Francis Escudero, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Gregorio Honasan II, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Ralph Recto, Joel Villanueva, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri.
Wala umanong naganap na coup de etat sapagkat inaasahan na niyang magkakaroon ng pagbabago anumang oras. Isa sa mga dahilan ng kanyang pag-alis ay ang kanyang napipintong pagtakbo para sa 2019 mid-term elections. Magtutuon na lamang siya ng pansin sa federalism information campaign.
1 2 3 4 5