|
||||||||
|
||
Presidential Commission on Good Government at OGCC mananatili sa ilalim ng Department of Justice
SINABI ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mas nanaisin niyang isailalim sa Department of Justice ang Presidential Commission on Good Government at Office of the Government Corporate Counsel. Mas nanaisin niyang maging attached agencies ang mga ito.
Iginagalang umano nila ang desisyon ng House of Representatives subalit mananatili ang kanilang posisyon na mapasailalim ng Department of Justice ang dalawang tanggapan.
Ito ang kanyang reaksyon matapos ipasa ng Kongreso ang panukalang batas na nagpapalakas sa Office of the Solicitor General sa pamamagitan na rin ng pangangasiwa sa PCGG.
Ang PCGG ang siyang naghahanap at naghahabol ng mga nakaw na yaman ng mga Marcos, ng kanyang pamilya, mga kaalyado at iba pang kabakas na naimbak sa loob at labas ng Pilipinas.
Ang Office of the Government Corporate Counsel ang abogado ng lahat ng korporasyong pag-aari ng pamahalaan, government financial institutions, government corporate offsprings, government instrumentalities na may corporate powers at government-acquired asset corporations.
Bumoto ang mga kongresista na 162 laban sa 10 sa House Bill 7376 na akda ni Speaker Pantaleon Alvarez.
Sa senado, sinabi naman ni Senador Richard Gordon na mayroon din silang panukalang batas subalit hindi kabilang ang pagbuwag sa PCGG.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |