|
||||||||
|
||
Pagbagsak ng Balance of Payments, napuna
UMABOT sa US$ 270 milyon ang kakulangan sa pangkalahatang Balance of Payments ng Pilipinas noong nakalipas na Abril. Kabaliktaran ito ng may US$ 917 milyong surplus na nakamtan noong Abril ng 2017.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang paglabas ng salapi ay nagmula sa pagbabayad ng pamahalaang Pambansa ng foreign exchange obligations at foreign exchange operations ng BSP.
Upang kahit paano'y makabawi, ang kinita ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa invesstments nito sa ibang bansa at net foreign currency deposits ng pamahalaang Pambansa sa buwan ng Abril.
Mula Enero hanggang Abril ng 2018, nagkaroon ng mas malaking kakulangan na umabot sa US$ 1.497 bilyon kung ihahambing sa US$ 78 milyon na kakulangan sa Balance of Payment noong 2017.
Ang mas malaking kakulangan sa unang apat na buwan ng taon ay dahil na rin sa lumalawak na merchandise trade deficit na ibinalita rin ng Philippine Statistics Authority dahil sa patuloy na pagtaas ng imports upang masuportahan ang paglawak ng domestic economic activities.
Ang kakulangan ay naaayon pa rin sa final Gross International Reserves (GIR) level na US$ 79.609 bilyon sa pagtatapos na Abril ng taong 2018. Ang Gross International Reserves ang kumakatawan sa sapat na salapi at kahalintulad ng 7.8 buwan halaga ng imports of goods at kabayaran sa serbisyo at primaru income. Kahalintulad rin ito ng 5.4 na ulit ng short-tern external debt ayon sa original maturity at apat na ulit ayon sa residual maturity.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |