![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Tatlong illegal alien, ipatatapos pabalik sa Hong Kong
IPATATAPON ang tatlong banyagang nadakip kamakailan ng mga kawal sa Basilan sa illegal na pagpasok sa bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration, ang tatlo ay sina Tsui Tsu Kin, Ho Chun Wai at isang Wong Po na pawang taga-Hong Kong.
Nananatili ang tatlo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City samantalang tinatapos ang deporation proceedings.
Ayon kay Bureau of Immigration Anti-Terrorist Group chief Fortunato Manahan, Jr., nadakip ang tatlo ng mga kawal sa Pilas Island sa Hadji Muhtamad sa Basilan may dalawang linggo na ang nakalilipas sakay ng isang tumirik na speedboat na naubusan ng gasoline samantalang na sa karagatan.
Inaalam pa kung ang tatlo ay sangkot sa drug trafficking, human trafficking at smuggling. Ayon sa tatlo, sinusubukan lamang nila ang kanilang speedboat ng matangay sila ng hangin papasok sa bansa dala ng masamang panahon.
Kakasuhan ang tatlo ng paglabag sa Philippine immigration laws.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |