TESDA, naghahanap pa ng may 100,000 mga magsasanay
SA palatuntunan ng pamahalaang Build, Build, Build, nagbukas ng pinto ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa mga kabataang magsasanay bilang mga construction workers na magkakatrabaho sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ito ang sinabi ni Deputy Director General Alvin S. Feliciano, ang pangalawa sa pamunuan ng TESDA na nakatuon sa technical education and skills development operations ng tanggapan.
Ikinalungkot naman ni G. Feliciano sapagkat umabot lamang sa 40,000 ang mga nagpahayag ng interes na magsanay. Naniniwala rin siyang hindi interesado ang karamihan sa kanila sapagkat tulad rin ng mga magsasaka ay hindi interesado ang mga supling ng mga magsasaka na magbukid pa.
May mga nakalaan din scholarships para sa mga nagnanais magsanay sa iba't ibang larangan ng technical education, dagdag pa ni G. Feliciano.
1 2 3 4 5