|
||||||||
|
||
Arsobispo Utleg, pinabulaan ang mga lumabas na tsismis
SINABI ni Arsobispo Sergio L. Utleg ng Tugegarao na isang tapa tana pari ang napaslang na si Fr. Mark Anthony Ventura. Minahal siya ng mga mamamayan at malapit sa mga mamamayan. Sa isang pahayag, sinabi ng arsobispo na malapit si Fr. Ventura sa mayayaman, mahihirap, kalalakihan at kababaihan, mga kabataan at maging sa mga senior citizen.
Hinahanap-hanap nila ang napaslang na pari sa kanilang nasasakupan.
Maliwanag umanong mayroong mga kalaban ang pari subalit hindi pa mabatid kung sino at kung bakit kinailangan pang mapatay ang pari. Sinisiyasat ng pulisya ang lahat ng posibleng anggulo at hindi sila sangayon sa mga pagiisip ng mga posibleng dahilan.
Tutol din sila sa pagpapakalat ng kung anu-anong tsismis at malisyosong paratang. Nagtitiwala umano sila sa pulisya at nais nilang magtagumpay ang pulisya upang makita ang kailangang ebindensya, madakip ang mga oumaslang at mabunyag ang pinaka-utak ng krimen.
Umaasa sina Arsobispo Utleg na lalabas ang katotohanan sa likod ng pagpaslang sa pari dalawang linggo na ang nakalilipas. Umaasa rin sila na makakamtan ng napaslang ang kailangang katarungan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |