Martial Law, kailangan pa sa Mindanao
SINABI ni Armed Forces of the Philippines chief of staff General Carlito Galvez, Jr. na kailangan pa ang Martial Law sa Mindanao sapagkat hindi pa naiipon ang lahat ng mga illegal at loose firearms at 'di pa nadarakip ang mga pinaghihinalaang extremists.
Panganib pa umano ang mga sandata at mga terorista sa Mindanao. May 20% pa lamang ng tinatayang 30,000 illegal na sandata ang naisusuko sa ilang buwang kampanya laban sa loose firearms. Nay 24,000 pang sandata ang nasa kamay ng mga mamamayan.
Tanggap umano ng mga mamamayan ang Batas Militar sa Mindanao kahit pa kinokondena ng mga katutubo ang sinasabing mga pagpaslang sa kanilang mga pinuno.
1 2 3 4