|
||||||||
|
||
Secretary John Castriciones ng Agrarian Reform, posibleng makalusot na sa Commission on Appointments
INIREKOMENDA ng Senate Subcommittee on Agrarian Reform na basbasan na ang pagkakahirang kay Secretary John Castriciones bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform.
Sinabi ni Senador Grace Poe, chairperson ng CA Subcommittee on Agrarian Reform na 13 ang pumabor sa nominasyon samantalang dalawa ang hindi sumang-ayon.
Lehitimo umano ang mga dahilang inilabas ng mga 'di pumabor kaya't kailangang matugunan ang mga ito, dagdag pa ni Senador Poe.
Ang mga ito ay ang mas madalas na pakikipag-usap at ugnayan sa mga magsasaka at ang pagpapalabas ng mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa pinakamadaling panahon.
Masusubukan kung madadaluhan ni G. Castriciones ang mga isyung ito, lalo pa't babalik din sa Senado ang kalihim sa paghingi ng budget sa mga susunod na taon, dagdag pa ni Senador Poe.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |