|
||||||||
|
||
Desisyon ng pamahalaang itigil ang pag-uusap, masamang senyal
SINABI ng Bagong Alyansang Makabayan na ang dagliang desisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na huwag ituloy ang nakatakdang peace talks sa ika-28 ng Hunyo ay isang masamang pangitain.
Mababaw at malabnaw ang dahilang binanggit ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza tulad ng pagkakaroon ng malawakang konsultasyon. Nabalewala ang mga pagtatangka ng magkabilang panig na matapos na ang sigalot. Nagkaroon na rin naman ng serye ng mga konsultasyon noong mga nakalipas na taon, dagdag pa ng BAYAN.
Ilang mga mambabatas at peace advocates ang nagpaabot na ng suporta sa pag-uusap. Lumagda na sila sa kasunduang ituloy ang pag-uusap na magwawakas sa pagtugon sa krisis na kinakaharap ng bansa at lipunan.
Sa desisyong ito, lumalabas na hindi tapat ang pamahalaan sa peace negotiations at layunin lamang na mabigyan ang mga kalaban ng peace talks na magwawakas sa tuluyang sagupaan ng magkakalabang panig.
Nararapat sanang mabatid ni Pangulong Duterte na ang solusyon sa problema sa ekonomiya at politika ang paraan upang maibsan ang kahirapan ng mga mamamayan, dagdag pa ng samahan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |